Panawagan sa Publiko: Mag-Mask at Manatiling Ligtas!

September 1, 2026

Nakapagtala ng mataas na antas ng PM2.5 sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ngayong araw, September 1, 2026, batay sa air quality monitoring ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang ganitong antas ng PM2.5 ay nagpapahiwatig ng 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan, lalo na sa mga may karamdaman sa paghinga.
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗺𝗮𝗴𝘀𝘂𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗸 𝗮𝘁 𝗹𝗶𝗺𝗶𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗶𝘀𝗶𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗶𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀.
I-check ang post ng DENR-National Capital Region para sa mga karagdagang paalala at manatiling naka-monitor sa mga susunod na update kaugnay ng kalidad ng hangin sa Metro Manila.
Para sa emergencies, tumawag sa Pasig City Emergency Hotline (02) 8643-0000.