Panawagan mula sa Pasig City Social Welfare and Development Office | June 12, 2026
June 12, 2026

Kung mayroong nakakakilala sa indibidwal na nasa panawagan o may anumang impormasyon patungkol sa kanyang pamilya, taos-puso po naming hinihiling ang inyong tulong.
Inaanyayahan namin kayong makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO) upang wastong maabisuhan ang kanyang pamilya tungkol sa kaniyang kalagayan.
Kung kayo po ay may anumang impormasyong maaaring makatulong, mangyaring magtungo sa tanggapan ng CSWDO sa Bahay Aruga, Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City o kaya sa Kanlungan sa Pasig sa Molave St., Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City at hanapin ang nakatalagang social worker.
Maaari rin pong makipag-ugnayan sa CSWDO sa mga numerong 0920 562 9364 / 0960 458 6814 / 0938 797 638 o magpadala ng mensahe sa pcsw@pasigcity.gov.ph o kanlungansapasig@pasigcity.gov.ph.
Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng impormasyong ito, maaari tayong makatulong sa muling pagkakaugnay ng indibidwal at ng kaniyang pamilya.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa.