Panawagan mula sa Pasig City Social Welfare and Development Office | April 21, 2026
April 21, 2026
Kung may nakakakilala po sa batang tinutukoy sa panawagang ito, o may anumang impormasyong makatutulong upang matunton ang kanyang mga magulang o kamag-anak, taos-puso po naming hinihiling ang inyong pakikiisa.
Inaanyayahan po namin kayong makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO) upang mapag-usapan ang kapakanan ng bata.
Maaaring magtungo sa tanggapan ng CSWDO sa Bahay Aruga, Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City, at hanapin ang nakatalagang social worker.
Para naman po sa agarang pakikipag-ugnayan, maaari kayong tumawag o mag-text sa 0920 562 9364, o magpadala ng email sa pcsw@pasigcity.gov.ph.
Ang inyong kooperasyon ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bata.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa.