Panawagan Mula sa Pasig City General Hospital (January 30, 2026)

January 30, 2026

๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐’๐ˆ๐† ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐‡๐Ž๐’๐๐ˆ๐“๐€๐‹

Tinatawagan po ng pansin ang pamilya at mga kamag-anak ni ๐†. ๐Œ๐ข๐œ๐ก๐š๐ž๐ฅ ๐“๐ฎ๐›๐ข๐  ๐๐š๐š๐ฅ, 46 taong gulang at naninirahan sa 931 Santan St. Masagana Compound, Barangay San Miguel, Pasig City.

Siya ay dinala sa Pasig City General Hospital (PCGH) Emergency Room noong December 10, 2025, kung saan base sa ginawang pagsusuri siya ay mayroong Cerebral Infarction due to cerebral artery thrombosis and Acute Respiratory Syndrome at kasalukuyang naka-depende sa Nasogastric Tube o NGT. 

Batay sa nakalap na impormasyon ng PCGH, huling dinalaw ng kanyang mga kaanak si G. Baal noong December 24, 2025. Simula noon, sinubukan ng PCGH na magsagawa ng home visitations at iba pang intervention, gaya ng paghahanap ng kanyang pansamantalang tirahan habang hindi pa natutukoy kung nasaan ang kanyang pamilya, dahil maaari na siyang i-discharge mula sa ospital.

Kung mayroon pong nakakakilala o may impormasyon tungkol sa kanyang pamilya o kamag-anak, mangyaring makipag-ugnayan sa Medical Social Work Department ng PCGH at hanapin si Ms. Leniva Espiloy, RSW sa pamamagitan ng sumusunod na contact numbers: 8643-3333 loc.103 o 09368643732

Tulungan po natin si G. Baal na makasama muli ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng post na ito. 

Maraming salamat po.