Panawagan mula sa Migrant Workers Office - Riyadh
May 29, 2025
πππππππππ ππππ ππ πππππππ πππππππ ππ π πππ - ππππππ
Tinatawagan po ng pansin ang pamilya, asawa, kamag-anak, kaibigan, o kakilala ng yumaong Overseas Filipino Worker na si G. Herminio Hernandez Andres na agad makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office (MWO) β Riyadh upang maisaayos ang pag-uwi ng kanyang mga labi sa Pilipinas o ang kaniyang libing sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Ipinapakiusap po ang agarang pakikipag-ugnayan dahil alinsunod sa patakaran ng Ministry of Health ng Pamahalaan ng KSA, ang labi ng isang dayuhan ay kailangang mailibing o maipauwi sa kanyang bansa sa loob ng 14 na araw.
Sa mga kaanak o sa sinumang may kaugnayan o impormasyon tungkol sa mga kaanak ni G. Andres, mangyari lamang na sila ay masabihan na makipag-ugnayan sa MWO-Riyadh sa pamamagitan ng kanilang Facebook Page o kaya naman ay tumawag sa +966-50-285-0944. Maaari rin silang mag-email sa mwo_riyadh@dmw.gov.ph.
Ipinapakiusap din po sa lahat na ipamahagi ang panawagan na ito upang mas mapabilis ang paghahanap sa pamilya ni G. Andres.
Maraming salamat po.