Pamahalaang Lungsod ng Pasig x GCash: Tungo sa Financial Inclusivity at Digital Governance

April 8, 2026



Pormal na pumasok sa Funds Disbursement Service (FDS) Agreement at Scan to Pay Agreement ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig at G-Xchange o GCash nitong Lunes, April 6, 2026, bilang hakbang tungo sa pagpapatupad ng cashless disbursement at payment para sa ibaโ€™t ibang programa at serbisyo sa lungsod. 

๐™๐™ช๐™ฃ๐™™๐™จ ๐˜ฟ๐™ž๐™จ๐™—๐™ช๐™ง๐™จ๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™ซ๐™ž๐™˜๐™š ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™š๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ 

Layunin ng FDS Agreement na mapabilis at mapadali ang pamamahagi ng ibaโ€™t ibang tulong-pinansyal para sa daang libong benepisyaryo sa ilalim ng ibaโ€™t ibang social services ng lokal na pamahalaan, tulad ng Pasig City Scholarship Program, Local Senior Pension, Cash Subsidy para sa Eligible Solo Parents, at iba pa. 

Nakapaloob sa kasunduang ito ang pag-waive ng disbursement fee at ang pagkakaloob ng libreng 30,000 GCash Cash Cards para sa mga benepisyaryo. Ipamamahagi ang mga ito sa pangangasiwa ng Pasig City Education Department, Office for Senior Citizens Affairs, City Social Welfare and Development Office, at iba pang tanggapan. 

๐™Ž๐™˜๐™–๐™ฃ ๐™ฉ๐™ค ๐™‹๐™–๐™ฎ ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™š๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ

Samantala, ang Scan to Pay Agreement naman ay layong makatulong na mapadali ang pagbabayad ng buwanang stall rental ng mga vendor at concessionaire ng Mutya ng Pasig Mega Market sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pamamagitan ng QR Code system ng GCash. Kaugnay nito, waived na rin ang merchant discount rate ng lokal na pamahalaan, bilang tagapangasiwa ng naturang pampublikong palengke, sa unang taon ng implementasyon nito. Ang mga feature na ito ay ipapatupad sa pangunguna ng Market Administration Office.

Dinaluhan ang ceremonial signing nina Mayor Vico Sotto, kasama si Sangguniang Panlungsod Committee on Technology, Communications, and Energy Chairperson Councilor Ryan Enriquez, Committee on Education Chairperson Councilor Simon Tantoco, City Administrator Atty. Jeron Manzanero, at mga kinatawan mula sa mga nabanggit na offices/departments. 

Present din ang limang representante mula sa Gcash, sa pangunguna ng Vice President and B2B General Manager nito na si Mr. Paul Vincent Albano at Vice President and Head of Public Sector nito na si Ms. Cleo Celeste Santos.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Mayor Vico na โ€œtriple winโ€ ang partnership na ito para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, GCash, at higit sa lahatโ€” para sa mga Pasigueรฑo. Kaya, taos-puso ang kanyang pasasalamat sa Gcash at sa Sangguniang Panlungsod at nagpahayag ng hangaring matagumpay ang pagsasakatuparan ng mga kasunduan.