Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Kinilala ng GSIS kaugnay ng Matapat na Pangangalaga sa mga Ari-arian ng Bayan
February 2, 2026









๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ , ๐๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐ค๐๐ฎ๐ ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ซ๐ข-๐๐ซ๐ข๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง
Isang turnover ceremony ang ginanap bilang parte ng flag raising ceremony ngayong araw, February 2, 2026, kung saan iginawad ng mga delegado mula sa Government Service Insurance System (GSIS) ang Gold Seal of Protection Award sa Lungsod ng Pasig. Dahil ito na ang ikatlong sunod na taon na nakamit ng lungsod ang nasabing parangal, opisyal na ring itinalaga ang Pamahalaang Lungsod bilang Hall of Famer sa GSIS Seal of Protection.
Ang parangal na ito ay bunsod ng pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa isang transpormasyon tungo sa mas ligtas at mapagkakatiwalaang pamamahala. Tiniyak na protektado sa ilalim ng komprehensibong insurance program alinsunod sa itinakda ng batas ang bawat pag-aari ng Pamahalaang Lungsod, mula sa mga pampublikong gusali at motor vehicles, hanggang sa mga teknolohiya gaya ng laptops, marine hulls para sa mga motorboats, at mga sensitibong equipment sa mga ospital.
Personal na tinanggap ni Mayor Vico Sotto, kasama ang iba pang opisyal ng Pamahalaang Lungsod, ang mga panauhin mula sa GSIS sa pamumuno ni President and General Manager (GM) Jose Arnulfo โWickโ Veloso. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Vico ang GSIS sa patuloy na pagiging matibay na katuwang ng Pasig sa pagsisiguro ng mga ari-arian ng bayan.
Ipinaliwanag ni GM Veloso ang tunay na kahalagahan ng hakbang na ito sa pagsasabing, โ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐ฃ๐จ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐ฌ๐๐๐ฃ ๐ฉ๐๐๐ง๐ ๐๐จ ๐๐ฃ ๐๐ข๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฎ, ๐๐ก๐ก ๐ค๐ ๐ฎ๐ค๐ช๐ง ๐ซ๐๐๐๐๐ก๐๐จ ๐๐ค๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ช๐ ๐ฉ๐ค ๐ง๐ค๐ก๐ก ๐ค๐ช๐ฉ, ๐จ๐๐๐ค๐ค๐ก๐จ ๐ง๐๐ค๐ฅ๐๐ฃ ๐๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ๐๐๐จ, ๐๐๐๐ก๐ฉ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง๐จ ๐จ๐ฉ๐๐ฎ ๐ค๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก, ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐จ๐๐ง๐ซ๐๐๐ ๐๐ค๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ช๐๐จโ๐ ๐๐๐๐ฉ ๐ข๐๐ฎ ๐๐๐๐ฎ๐ค, ๐ ๐๐๐๐ฉ ๐ข๐๐ฎ ๐ก๐๐ฃ๐๐ค๐ก. ๐๐ฃ ๐จ๐๐ค๐ง๐ฉ, ๐๐ฃ๐จ๐ช๐ง๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐ฉ๐๐๐ฉ๐จ ๐ฅ๐๐ค๐ฅ๐ก๐, ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐๐จ ๐ฌ๐๐ฎ ๐๐๐จ๐๐ ๐๐จ ๐๐๐๐ค๐ข๐๐ฃ๐ [๐] ๐จ๐๐๐๐ง, [๐๐ฃ๐] ๐ ๐ข๐ค๐ง๐ ๐ง๐๐จ๐๐ก๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐๐ฉ๐ฎ.โ
Ang pagiging Hall of Famer sa GSIS Seal of Protection Award ay patunay ng maayos, transparent, at responsableng pangangalaga sa public resources. Mula sa pinakamaliit na kagamitan hanggang sa pinakamalaking pasilidad, ang Lungsod ng Pasig ay nananatiling handa, matatag, at laging accountable sa bawat pag-aari ng bayan.
Opisyal na itu-turn over ang Hall of Fame Marker sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig kapag nakalipat na ito mula sa Temporary Pasig City Hall papunta sa bagong City Hall sa Caruncho Ave. matapos ang magiging konstruksyon nito.
โ
Matatandaan ang detalye ng parangal sa nakaraang post na ito: https://www.facebook.com/share/p/1CntMADGLr/