Pagpaparehistro para sa 2026 Barangay at SK Elections, Bukas na Muli sa Pasig hanggang May 18, 2026
November 5, 2025




Pasigueños!
Maaari na muling magparehistro para sa darating na 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections hanggang sa May 18, 2026!
Para sa mga Pasigueño na nais magpa-rehistro, magtungo lamang sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC)-Pasig na matatagpuan sa Ground Floor, Old BIR Building, Caruncho Avenue, Barangay San Nicolas, Pasig City. Bukas ang tanggapan tuwing Lunes hanggang Sabado, mula 08:00AM hanggang 05:00PM.
Gabay sa material:
Photo#2: Sino ang mga maaaring magparehistro
Photo#3: Ano ang mga transaksyon na pwedeng gawin sa Voter Registration at Ano ang tinatanggap na Valid IDs
Photo#4: Online Reactivation
Photo#5: Barangay na Nasasakupan ng COMELEC District 1 at District 2
Magparehistro na, Pasigueños!
___
Maaaring i-download ang registration form mula sa link na ito:
https://comelec.gov.ph/.../2507.../2025_CEF1_Revised2025.pdf
Para sa mga katanungan, maaaring mag-comment sa posts ng Official Facebook Page ng Commission on Elections (COMELEC).