Pagdiriwang ng World Tuberculosis Day sa Lungsod ng Pasig

March 27, 2025

Nakiisa ang Pamahalaang Lungosd ng Pasig, sa pangunguna ng City Health Department - National Tuberculosis Program at Health Education and Promotion Office sa mga makulay at kapaki-pakinabang na aktibidad upang iparating ang kahalagahan ng kalusugan, partikular na ang laban kontra Tuberculosis (TB) , bilang parte ng pagdiriwang ng World Tuberculosis Day noong Lunes, March 24, 2025.
Sa ilalim ng temang "The Time Is Now for a TB-Free Generation,” ilan sa mga aktibidad na isinagawa ay ang mga sumusunod:
✅ Regional Simultaneous Zumba na nilahukan ng 17 LGU mula sa buong Metro Manila. Isang masigla at energizing na paraan upang ipalaganap ang kamalayan sa kalusugan at makilahok ang komunidad.
✅ Mural Painting Competition, isang makulay at malikhain na paraan upang ipakita ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa TB sa komunidad at mas mapalaganap ang mensahe ng regular na pagsusuri at tamang pangangalaga sa kalusugan.
Bilang bahagi ng programa, nagkaroon din ng libreng X-ray para sa mga nais magpa-konsulta, isang pangunahing hakbang upang maagang matukoy kung may TB. Ang ganitong hakbang ay nagbibigay-daan upang makapagbigay ng maagap na lunas at maiwasan ang mas malalalang komplikasyon.
Nagbigay din ng suporta ang Culion Foundation upang magbigay-diin sa kahalagahan ng regular na konsultasyon sa mga health center, at upang masiguro na patuloy na tumataas ang kamalayan at pagsusuri hinggil sa TB.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, umaasa tayo na mas maraming Pasigueño ang magkakaroon ng kamalayan tungkol sa kalusugan, lalong-lalo na sa TB, at magpapakita ng aktibong responsibilidad sa kanilang kalusugan.