Pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani 2025 sa Lungsod ng Pasig

August 25, 2025


Isang maikling seremonya ang idinaos ngayong umaga, August 25, 2025, sa Plaza Rizal bilang paggunita sa Araw ng mga Bayani.

Pinangunahan ang pagdiriwang ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na sina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at mga miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod ng Pasig.

Dumalo rin sa naturang programa ang mga kinatawan mula sa nasyunal na pamahalaan, mga Punong Barangay at opisyal ng barangay sa lungsod, gayundin ang iba’t ibang organisasyon gaya ng Veterans Federation of the Philippines-Pasig, Samahang Pangkasaysayan ng Pasig, Pasig Masonic Lodge 409, Silanganan Masonic Lodge 19, Knights of Columbus-Pasig, Knights of Rizal-Pasig, KAANAK 1899, Boy Scouts of the Philippines–PRAXIS at Pasig, at Girl Scouts of the Philippines–Pasig.

Sa kanyang mensahe, nagbahagi si Mayor Vico ng kaalaman tungkol sa dahilan kung bakit ginugunita ang Araw ng mga Bayani tuwing buwan ng Agosto. Binigyang-diin din niya na ang buhay at sakripisyo ng ating mga bayani ay nararapat na magsilbing inspirasyon upang patuloy nating mapangalagaan at mapakinabangan ang kalayaang kanilang ipinaglaban. Aniya, nawa’y manatiling buhay sa puso ng bawat isa ang diwa ng katapangan at kahusayan ng ating mga bayani.

Para balikan ang maikling programa kaninang umaga, i-check ang link na ito: https://bit.ly/ArawNgMgaBayani2025