Pagbisita ng mga Opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga Nasunugan sa Villa Hernandez, Brgy. San Joaquin kahapon, January 29, 2025
January 30, 2025



Binisita ni Mayor Vico Sotto ang mga pamilyang naapektuhan sa sunog sa Villa Hernandez, Brgy. San Joaquin kahapon, January 29, 2025 para kamustahin ang kalagayan ng mga ito.
Tinatayang nasa higit 40 indibidwal mula sa 13 pamilya ang kasalukuyang nananatili ngayon sa Villa Hernandez Covered Court matapos ang sunog na naganap noong Martes, January 28, 2025.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Barangay ng San Joaquin, Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng Disaster Risk Reduction and Management Office at City Social Welfare and Development Office ay agad na nakapag-set up ng Evacuation Center sa Villa Hernandez Covered Court na may kaakibat na Camp Management matapos ang naging insidente ng sunog. Agad na nagkaroon ng distribusyon ng sleeping kits noong Martes na sinundan naman ng distribusyon ng food packs, kitchen kits, at Emergency Go Bags kahapon.