Pagbati sa 3,823 Nagsipagtapos sa mga Programa ng Paasig City Skills Development Office!

August 18, 2026

Nasa 3,823 trainees mula sa Pasig City Skills Development Office ang nagsipagtapos sa ginanap na Araw ng Pagkakaloob ng Katibayan 2026 noong Sabado, August 14, 2026, sa Ynares Sports Arena.
Sa kabuuang bilang, 1,622 graduates ay mula sa Pasig City Institute of Science and Technology, habang 2,201 graduates naman ay mula sa Community Training Center. Sila ay sumailalim sa iba’t ibang pagsasanay mula ikalawang semester ng 2025 hanggang unang semester ng 2026, bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa trabaho o pagtatayo ng sariling kabuhayan.
Malugod na tinanggap ng mga nagsipagtapos ang kanilang mga sertipiko na personal na ipinagkaloob sa kanila ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kasama si Mr. Marvin Sabatin, Supervising Technical Education and Skills Development Specialist mula sa Technical Education and Skills Development Authority.
Bukod sa sertipiko, bawat nagsipagtapos ay makakatanggap din ng “Starter Fund” na nagkakahalaga ng PHP 4,000.00 bilang tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan upang makapagsimula ng munting negosyo gamit ang kanilang natutunan sa mga pagsasanay.
Bilang payo sa mga nagsipagtapos, binigyang-diin ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapaunlad ng kanilang mga natutunan. Hinikayat silang maging masigasig sa paghahanap ng mga oportunidad, gamitin ang kanilang mga kasanayan bilang puhunan sa pagbuo ng sariling kabuhayan, at patuloy na matuto upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan. Ipinaalala rin sa kanila na ang mga natutunan at suportang kanilang natatanggap mula sa Pamahalaang Lungsod ay maaaring maging mahalagang hakbang tungo sa mas matatag na kabuhayan at mas magandang kinabukasan.
Sa patuloy na pagpapatupad ng mga ganitong programa, layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na mas marami pang Pasigueño ang mabigyan ng pagkakataong matuto, magkaroon ng bagong kasanayan, at magbukas ng maraming oportunidad para sa mas maunlad na kinabukasan.
Muli, pagbati sa lahat ng nagsipagtapos!