Pabatid Publiko Mula sa BFP-Pasig City Tungkol sa Pagkaantala ng Fire Safety Inspections at Pag-release ng FSIC

January 29, 2026

Ipinapabatid po ng Bureau of Fire Protection – Pasig City Fire Station (BFP – Pasig City Fire Station) sa lahat ng may-ari ng negosyo sa Lungsod ng Pasig na magkakaroon ng pagkaantala sa pagsasagawa ng fire safety inspections at sa paglabas ng Fire Safety Inspection Certificates (FSIC).

Ito ay dulot ng pansamantalang suspensyon ng fire safety inspections simula January 5 hanggang 16, 2026, alinsunod sa memorandum na inilabas ng Department of the Interior and Local Government noong January 5, 2026. Ang nasabing suspensyon ay kaugnay ng pagpapatupad ng bagong inspection procedures, kabilang ang paggamit ng body-worn cameras.

Ang BFP-Pasig City Fire Station ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring maidulot nito. 

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.