Paalala sa mga Magulang at Guardian | Kapag ang Anak ay Bakunado, Sigurado Protektado!
May 31, 2026
Isang mahalagang paalala at mensahe mula kay Mayor Vico Sotto para sa kalusugan ng mga batang Pasigueño! Panoorin ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/923913850691278
Magsisimula ngayong June 1-14, 2026 ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa ating lungsod.
Ligtas, epektibo, at libre ang bakunang ito upang matiyak na protektado ang mga chikiting laban sa tigdas.
Paano ang proseso?
Pabakunahan ang mga bata na may edad 6-59 months para sa Ligtas Tigdas na Pasigueño!