Paalala ng ating Responders: Iwas Paputok | Salubungin ang Bagong Taon nang Masigla at Kumpleto

December 30, 2025


Bilang parte ng Iwas Paputok Campaign 2025, nagsagawa ang Bureau of Fire Protection - Pasig at Pamahalaang Lungosd ng Pasig ng Iwas Paputok Motorcade noong Sabado, December 27, 2025.
Ang nasabing motorcade na lumibot sa iba't ibang lugar sa Lungsod ng Pasig ay nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig tulad ng Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Department, at Traffic and Parking Management Office; mula sa nasyonal na pamahaalaan: Bureau of Fire Protection - Pasig, Philippine National Police - Pasig; mula sa mga Pamahalaang Barangay, kabilang ang Fire and Rescue Team ng mga ito; at non-government organization volunteers.
Layon ng motorcade na paalalahanan ang mga PasigueƱo na iwasan ang pagpapatok bilang pagsalubong ng bagong taon upang maipagdiwang ito nang ligtas at kumpleto.
Sa Lungsod ng Pasig, bukod sa pagsasagawa ng motorcade,
- walang na-issuehan ng Special Permit para makapagtinda ng mga paputok, kaya naman walang awtorisadong makapagbenta ng mga paputok sa ating lungsod.
- bawal ang pagpapaputok sa labas ng designated firecracker zones. I-check ang post na ito para sa listahan ng designated firecracker zones sa Lungsod: https://www.facebook.com/share/p/1GEEnTpaWa/
- nagtutulungan ang PNP, Pamahalaang Lungsod, at mga barangay para mahuli ang mga nagbebenta ng paputok, lalo na ang mga ilegal na paputok, i-check ang post na ito para sa listahan ng mga ilegal na paputok: https://www.facebook.com/share/p/1FNZVgxdP1/
Para sa emergencies, maaaring tumawag sa 8643 0000.