Overseas Job Fair Caravan x Project Angel Tree para sa Araw ng Pasig 2025

June 29, 2025

Heads up, PasigueΓ±os!
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2025, naghanda ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) nito ng iba’t ibang programa na gaganapin sa Martes, July 1, 2025, sa DoΓ±a Juana Covered Court, C. Raymundo Ave., Brgy. Rosario, Pasig City, mula 08:30AM hanggang 03:00PM.
Una sa mga programang tampok ay ang πŽπ•π„π‘π’π„π€π’ π‰πŽπ π…π€πˆπ‘ 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍, kung saan nasa 20 overseas manpower companies ang lalahok.
Parte ng Overseas Job Fair Caravan ang π™π™„π™π™Žπ™-π™π™„π™ˆπ™€ π™…π™Šπ˜½π™Žπ™€π™€π™†π™€π™π™Ž π™Šπ™‰π™€-π™Žπ™π™Šπ™‹ π™Žπ™ƒπ™Šπ™‹ para sa mga nais mag-avail ng LIBRENG pagkuha ng police clearance o kaya naman ay magparehistro sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG. Para ma-avail ito, dalhin lamang ang mga sumusunod: Barangay Certification na nagsasabi na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); Oath of Undertaking mula sa Barangay na ang aplikante ay first-time jobseeker; at dalawang valid ID.
Bukod pa riyan, present din sa nasabing aktibidad ang Department of Migrant Workers, Bureau of Internal Revenue, Philippine Statistics Authority, at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nais kumonsulta tungkol sa kanilang concerns.
Present din ang Pasig City Skills Development Office – Pasig City Institute of Science and Technology, isang TESDA-accredited training center sa ilalim ng lokal na pamahalaan na magkakaloob ng training sa mga PasigueΓ±o na nagnanais makakuha ng National Certification.
Kaya naman para sa mga nais lumahok sa job fair caravan na ito, π™’π™–π™œ-𝙋𝙍𝙀-π™π™€π™‚π™„π™Žπ™π™€π™ na gamit ang link na ito: https://bit.ly/ArawNgPasigOverseasJobFairCaravan... o i-scan ang QR code sa material.
Magdala rin ng maraming kopya ng inyong updated resume at ihanda ang sarili para sa mga on-the-spot interview dahil ito na ang pagkakataon ninyo na magkaroon ng trabaho!
____
Bukod sa Overseas Job Fair Caravan at First-time Jobseekers One-Stop Shop, magkakaroon din ng 𝙋𝙃𝙄𝙇𝙄𝙋𝙋𝙄𝙉𝙀 π™‰π˜Όπ™π™„π™Šπ™‰π˜Όπ™‡ π™‹π™Šπ™‡π™„π˜Ύπ™€ π™π™€π˜Ύπ™π™π™„π™π™ˆπ™€π™‰π™ sa araw na ito. I-check na ang Photo #3 para sa listahan ng qualifications para sa mga nais mag-apply.
____
Kasama rin sa programa sa darating na Martes ang 𝐏𝐚𝐬𝐒𝐠 πƒπšπ² π€π πšπ’π§π¬π­ 𝐂𝐑𝐒π₯𝐝 π‹πšπ›π¨π«: 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 π€π§π πžπ₯ π“π«πžπž. Sa programang ito, katuwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang PESO at ang Pasig City Tripartite Industrial Peace Council sa pagbibigay ng munting regalo at complete health check-up sa nasa 100 DOLE-profiled child laborers sa Lungsod ng Pasig.
Bukod dito, maglalaan din ng munting panimulang tulong-pangkabuhayan para sa mga magulang o guardian ng mga bata.