Oplan Kaayusan sa Pasig | May 27-30, 2025

June 4, 2025

Tuluy-tuloy pa rin ang paglilibot ng Oplan Kaayusan (OK) sa Pasig Team para sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at kaligtasan sa Lungsod Pasig!
I-check ang material para sa accomplishments sa pagsasagawa ng OK sa Pasig noong May 27- 30, 2025 (Martes hanggang Biyernes). Bukod sa mga naitalang accomplishments ay nagiging pagkakataon din ang OK sa Pasig para marinig ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ang issues at concerns ng mga residente sa mga lugar na pinupuntahan kada araw.
Naging posible ang OK sa Pasig sa pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, nasyunal na pamahalaan, pamahalaang barangay kung saan naka-schedule ang OK sa Pasig, at private sector partners katulad ng provider ng kuryente, telcos, at tubig.