Oplan Kaayusan sa Pasig | August 5-8, 2025
August 11, 2025














Back to normal programming ang Oplan Kaayusan sa Pasig noong nakaraang Martes hanggang Biyernes, August 5-8, 2025.
Ito ay matapos tutukan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang malawakang clearing at cleaning operations sa mga lugar sa lungsod na matinding naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Habagat at mga nagdaang bagyo noong isang linggo.
I-check ang material para sa naging accomplishments ng Team OK sa Pasig sa mga nabanggit na petsa, pati na ang mga lugar na kanilang binisita.
Bilang parte ng pagpapatupad ng programa, present din sa mga operasyon ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na walang-sawang umaalalay sa mga Pasigueño, may bagyo man o wala, sa pangunguna nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, at Vice Mayor Dodot Jaworski.
Asahan na patuloy pa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, katuwang ang mga barangay at private sectors, sa paghahatid ng mga serbisyo alang-alang sa kaligtasan at kapayapaan sa buong lungsod.
#OKsaPasig
#UmaagosAngPagasa