Oplan Kaayusan sa Pasig | April 2026

May 7, 2026



Umabot sa 17 na lugar sa 12 barangay ang naabutan ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa ilalim ng programang Oplan Kaayusan (OK) sa Pasig nitong April 2026, na naghatid ng konkreto at magandang pagbabago para sa mga residente. 

Sa pangunguna ng City Engineering Office (CEO), isinagawa ang pagkukumpuni ng mga lubak na kalsada at pagtanggal ng mga bara sa mga kanal. Pininturahan din nila ang mga dingding at poste upang maging mas maaliwalas ang kapaligiran. 

Nakiisa rin ang Solid Waste Management Office sa pamamagitan ng pagkokolekta at pagtatapon ng mga debris, scraps, at mixed waste o basura at ang City Environment and Natural Resources Office na nakatalaga sa pagwawalis sa mga tabing-kalsada at pagtatabas ng mga sanga ng puno. 

Katuwang din ang City Health Department-Environmental Sanitation Office sa disinfection at anti-dengue efforts, at pamamahagi ng pest control agents sa mga kabahayan. 

Para sa kaayusan sa kalsada, nagsagawa rin ang Peace and Order Department-Action Line Division ng roadway clearing operations upang matiyak upang matiyak ang wastong paggamit ng mga pampublikong espasyo tulad ng bangketa. 

Kaakibat ng mga serbisyong ito, higit na naramdaman ng mga residente ang malasakit ng lokal na pamahalaan dahil sa personal na pagbisita nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, at Vice Mayor Dodot Jaworski sa kanilang lugar na nagbigay-daan para maipahayag ng mga residente ang kanilang mga hinaing at suhestiyon para sa patuloy na pag-unlad ng kanilang komunidad. 

𝗗𝗮𝗶𝗹𝘆 𝗠𝗮𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀

Kasabay ng OK sa Pasig, nagsagawa rin ang CEO ng maintenance works sa iba pang lugar upang mas marami pang Pasigueño ang matulungan at makinabang sa mga serbisyo. 

—

Para sa buong detalye ng accomplishments, i-check ang photos #1 and #2. 

—

Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa mga Pamahalaang Barangay at private utility companies sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan na nagbigay-daan sa pagsasakatuparan ng OK sa Pasig. 

#OKsaPasig

#UmaagosAngPagasa