Operation Tuli | Week 4 Schedule | April 28-30, 2026

April 25, 2026

Narito na ang schedule para sa ikaapat na linggo ng Operation Tuli 2026 para sa mga batang lalaki na edad 10-15 years old! 

Maaaring magparehistro sa pinakamalapit na Barangay Health Center sa inyong lugar simula Lunes hanggang Biyernes, 01:00PM hanggang 03:00PM, liban kung holiday. 

Siguraduhing dala ang original school ID ng bata. Kung wala nito, maaaring magpakita ng ibang ID na magpapatunay ng kanyang pagkakakilanlan. Kailangan din ang valid government-issued ID ng magulang o guardian para sa verification. Pagkatapos ng registration, malalaman rin ang schedule at venue kung saan gaganapin ang pagtutuli.

Para sa darating na linggo, April 28-30, 2026, i-check ang material na kaakibat ng post na ito para sa listahan ng mga barangay, pati na rin ang kanilang schedule at venue.

Paalala lamang po na sa araw ng pagtutuli, kinakailangang may kasamang magulang o guardian na edad 18 pataas ang batang tutulian. Ipinapakiusap din po na magdala ng lumang diyaryo o manila paper.

Maraming salamat po!

–

Lingguhan ang pag-post ng schedule ng Operation Tuli 2026 dito sa Pasig City Public Information Office Facebook Page. Kung hindi pa kasama ang inyong barangay sa listahan, mangyaring abangan ang susunod na anunsyo para sa inyong schedule at venue.