Ongoing Retrieval ng Ballot Boxes at iba pang Election Paraphernalia mula sa Polling Centers

May 13, 2025

Tuluy-tuloy pa rin ang mga aktibidad kaugnay ng #Halalan2025, matapos isara ang polling centers kahapon (May 12, 2025) ng 07:00PM.
Ongoing ang retrieval ng ballot boxes at ibang pang election paraphernalia mula sa 44 polling centers sa Lungsod ng Pasig.
Ang ilan sa mga ito ay dadalhin sa Rizal High School, ang Canvassing Center sa Lungsod ng Pasig, at ang iba naman ay ididiretso sa secured storage area ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.