Nutrient of Concern: Sugar
June 24, 2026
Ngayong balik-eskwela, may mahalagang paalala ang Pasig City Nutrition Committee para sa mga magulang at guardian!
Bagama’t paborito ng mga bata ang mga matatamis na meryenda tulad ng chocolate, candy, at iba pang sweet treats, mahalagang gabayan sila sa pagpili ng mas masustansyang pagkain. Ating alalahanin na ang labis na pagkain ng matatamis ay maaaring magdulot ng tooth decay o pagkasira ng ngipin, at maaari ring mag-ambag sa pagtaas ng timbang.
Kaya’t bilang mga nakatatanda, may mahalagang papel tayo sa paghubog ng mabubuting eating habits ng ating mga chikiting. Sa pamamagitan ng tamang paggabay at mas maingat na pagpili ng meryenda, mas mapapanatili nating malusog at masigla ang ating mga anak!
Basahin ang buong paalala mula sa original na post ng Nutrition Committee.