NOTICE TO THE PUBLIC | Proposed Schedule of Market Values for Pasig City for 2027
January 19, 2026

๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐๐
Alinsunod sa Republic Act No. 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act, inihahanda ng City Assessorโs Office ang Proposed Schedule of Market Values (SMV) para sa ibaโt ibang uri ng real property sa Lungsod ng Pasig, alinsunod sa mga alituntunin ng Bureau of Local Government Finance at ng Department of Finance.
Ipinapaalam sa publiko na ang Proposed SMV para sa Calendar Year 2027 ay kasalukuyang nakapaskil para sa kaalaman at impormasyon ng lahat. Bago ito inilabas, nagsagawa ang City Assessorโs Office ng konsultasyon noong 2025 sa ibaโt ibang sektorโkabilang ang real estate professionals, sektor ng negosyo, homeownersโ associations, at mga opisyal ng barangayโupang maisama ang kanilang mga pananaw at mungkahi.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang publiko na suriin ang Proposed SMV sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code sa Photo #1 o pagbisita sa link na ito para sa detalyadong impormasyon: https://bit.ly/PasigSMV2027
Hinihikayat ang lahat ng may-ari ng real property, mga nagbabayad ng buwis, at iba pang stakeholders na makilahok sa Public Consultation and Hearing na gaganapin sa February 5 at 6, 2026, parehong mula 9:00AM hanggang 12:00NN, sa 2/F Session Hall, Temporary Pasig City Hall, Eulogio Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario, Pasig City. Maari kayong mag-register sa pag-scan ng QR code sa Photo #2 o pagbisita sa link na ito: https://bit.ly/PasigSMV2027participate
Kung hindi makakapunta sa Public Consultation, maaari ring magsumite ng mga komento, mungkahi, at katanungan kaugnay ng Proposed SMV sa pamamagitan ng parehong link.
Hinihikayat na basahin muna ang Frequently Asked Questions na kalakip ng Proposed SMVs bago magsumite ng kanilang saloobin. Ang lahat ng mungkahi ay dapat tiyak at direktang may kaugnayan sa Proposed SMV at tatalakayin at bibigyang tugon sa itinakdang public hearing.
Mga Pasigueรฑo, kailangan ang inyong aktibong pakikilahok para matiyak ang malinaw, makatarungan, at patas na pagpapahalaga at pagtatasa ng mga real property.
Kaya naman makilahok na โ sa public consultation man o sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga komento, mungkahi, o pagtatanong gamit ang online form!