NCR Metro Stars, Umaarangkada sa Palarong Pambansa 2026

May 29, 2026

Nangunguna ang NCR Metro Stars sa latest (unoffical) tally ng medals sa 2026 Palarong Pambansa na kasalukuyang ginaganap sa Agusan del Sur.
Ang NCR Metro Stars ang opisyal na team ng National Capital Region (NCR) sa Palarong Pambansa, na binubuo ng mga atleta mula sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Nasa 95 na kabataang atleta, kasama ang 32 coaches at support personnel mula sa Pamahalaang Lungsod at Schools Division Office - Pasig City, ang nagsisilbing delegasyon ng Lungsod ng Pasig na kabilang sa NCR Metro Stars.
Opisyal na nagbukas ang 2026 Palarong Pambansa nitong May 24, 2026 at magtatapos ito sa Linggo, May 31, 2026.
I-check ang ilan sa mga photos mula sa 2026 Palarong Pambansa simula noong Opening Ceremony hanggang kahapon, May 28, 2026.