National Heritage Month 2026 | Schedule of Activities

May 13, 2026

Bilang pagdiriwang ng National Heritage Month 2026 ngayong Mayo, inihahandog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, katuwang ang Kabataang Tambuli ng Pasig, ang 𝗙π—₯π—˜π—˜ π—šπ—¨π—œπ——π—˜π—— 𝗧𝗒𝗨π—₯𝗦 na layong ipakilala ang mayamang pamanang kultura ng Lungsod ng Pasig.
Sa ilalim ng temang β€œRoots and Horizons: Our Shared Heritage, Our Collective Future,” limang tours ang bubuksan ngayong buwan ng Mayo. Tampok dito ang iconic historic sites sa Pasig na tiyak na kapupulutan ng aral at mag-iiwan ng magandang karanasan sa mga kalahok.
Bukas ang mga aktibidad para sa lahatβ€”PasigueΓ±o man o hindi!
Kaya, i-check na ang material para sa Schedule of Activities.
Para sa mga karagdagang detalye, antabayanan ang mga susunod na anunsyo mula sa Pasig City Public Information Office at Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office.
β€”
Alinsunod sa President Proclamation No. 439, s. 2023, ang National Heritage Month ay idinaraos tuwing buwan ng Mayo, sa pangangasiwa ng National Commission for Culture and the Arts.