National Arts Month 2026
February 2, 2026
๐ ๐๐๐ซ๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐ข๐ฌ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก!
Kaisa ng National Commission for Culture and the Arts at ng buong bansa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng National Arts Month (NAM) 2026, alinsunod sa ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ. ๐๐๐, ๐ฌ. ๐๐๐๐.
Binibigyang-diin ng temang โ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐โ ang sining bilang isang makapangyarihang daluyan ng kamalayan, na nagtataguyod ng katotohanan, giting, at pagtutulungan. Ito ay bunga hindi lamang ng malikhaing isip kundi pati na rin ng ating kolektibong karanasan, pananaw, at hangarin.
Ipinapamalas din ng tema ang mahalagang papel ng sining bilang bukal ng pag-asa at gabay tungo sa isang mas makatarungan, inklusibo, at progresibong lipunan.
Para sa mga aktibidad na pangungunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay ng pagdiriwang ng NAM 2026, antabayanan ang mga anunsyo mula sa official Facebook pages ng Pasig City Public Information Office at Pasig City Museum.
Makibahagi sa patuloy na pagpapayabong ng ating sining at kultura.
Maligayang Buwan ng Sining sa lahat!