Natatanging Kabataang Pasigueรฑo, Pinarangalan sa SGYG at GKA 2025

January 13, 2026



๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง (๐’๐Š) ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐ฌ ๐š๐ญ ๐’๐Š-๐ˆ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐š๐ญ๐ž๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐š๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐†๐จ๐จ๐ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐œ๐ž; ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ฌ ๐š๐ญ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก/๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก-๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ณ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐†๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ฌ 

Sa pagsisimula ng 2026, ating balikan ang naging pagkilala at pagbibigay parangal sa mga natatanging Sangguniang Kabataan (SK) councils, SK-initiated programs, kabataang indibidwal, at youth/youth-serving organizations sa Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng Seal of Good Youth Governance (SGYG) 2025 at Galing Kabataan Awards (GKA) 2025!

Ang mga parangal na ito ay nagbibigay-diin sa talino at kahusayan sa pamamahala at kakayahang maging huwaran at inspirasyon ng mga kabataang Pasigueรฑo.

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข!

Nawaโ€™y inyong ipagpatuloy ang mga makabuluhang inisyatiba na inyong sinimulan at manatiling inspirasyon at huwaran para sa inyong kapwa kabataang Pasigueรฑo ngayong 2026 at sa mga darating pang taon. 

โ€”

๐’๐„๐€๐‹ ๐Ž๐… ๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐€๐๐‚๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Labindalawang (12) SK councils sa lungsod ang tumanggap ng SGYG awards matapos makapagtala ng mataas na overall rating, batay sa SGYG Validation na isinagawa noong November 2025. 

Batay sa tatlong (3) key indicators na participation; transparency; at efficiency and effectiveness na pinagbasehan: apat (4) na SK councils ang nagtamo ng Outstanding rating at ginawaran ng Gold SGYG; lima (5) naman ang nakakuha ng Very Satisfactory at ginawaran ng Silver SGYG; habang tatlo (3) ang may Satisfactory rating at tumanggap ng Bronze SGYG.

Para malaman ang naging 2025 performance ng inyong SK Council, i-check ang opisyal na Performance and Impact Assessment Report (PIAR) na inilabas ng Pasig City Youth Development Office (PCYDO): https://bit.ly/SGYG2025_PIAR kaugnay nito.

Bukod sa mga konseho, 10 SK-initiated projects din ang pinarangalan bilang pagkilala sa magandang layunin at naidulot ng mga ito sa kabataan. Sa pangangasiwa ng SK Councils, ang mga programang ito ay tumutugon sa mahahalagang usapin tulad ng mental health, solid waste management, employment, sports, at marami pang iba. 

Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng SK Federation of Pasig, ang mga SGYG awardee ay tumanggap ng plaque o certificate at cash incentives, bilang suporta sa patuloy na pagpapalawak at pagpapalakas ng kanilang inisyatiba para sa mga Pasigueรฑo. 

Naging maayos at matagumpay ang validation process ng SGYG 2025 sa tulong ng SGYG Technical Working Group, na binubuo ng ng mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government-Pasig Field Office, Office of the City Mayor, City Budget Office, City Accounting Office, Office of the Liga ng mga Barangay President, Pasig City Youth Development Council, PCYDO, Galing Pook Foundation, GOOD GOV PH, at Pasig SK Federation.

Para mabalikan ang SGYG 2025, panoorin lamang ang recorded live sa link na ito: https://bit.ly/Replay_SGYG2025

๐†๐€๐‹๐ˆ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Sa ilalim ng Galing Kabataan Awards 2025, para sa Angking Galing Category, siyam (9) na kabataang indibidwal ang tumanggap ng parangal at insentibo para sa kanilang ipinakitang husay at ambag sa kani-kanilang fields of expertise. 

Samantala, 10 youth organizations naman ang nagtagumpay sa Galing Natin Category dahil sa kanilang mga programang sumusuporta sa Centers for Youth Participation (tulad ng Active Citizenship, Education, Governance) o sa Sustainable Development Goals (gaya ng No Poverty, Gender Equality, Climate Action). 

Para sa kumpletong listahan ng winners at finalists na dumaan sa nomination o application at validation at mga litratong kuha mula sa GKA 2025 awarding ceremony, bisitahin ang post ng PCYDO sa link na ito: https://bit.ly/GKA2025_PCYDO

โ€”

Ang Seal of Good Youth Governance 2025 at Galing Kabataan Awards 2025 ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Pasig SK Pederasyon  at Local Youth Development Office Pasig City  katuwang ang iba pang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na sama-samang itinataas ang antas ng serbisyo para sa kabataang Pasigueรฑo.