Narito na ang 4th Mega Job Fair at OFW Caravan!
November 6, 2024

MEGA JOB FAIR ALERT!
Tuloy na tuloy na ang 4th Mega Job Fair at OFW Caravan sa isang linggo, November 15, 2024 (Biyernes)! Ito ay gaganapin pa rin sa 3/F ng Robinsons Metro East, simula 09:00AM hanggang 04:00PM.
Halos 60 local at overseas companies ang lalahok sa job fair na ito para magbukas ng oportunidad sa mga Pasigueño na gustong magkaroon ng trabaho. Kaya naman sa mga nais sulitin ang pagkakataon na ito, maghanda na ng maraming kopya ng inyong updated resume at sariling ballpen!
Para sa listahan ng mga trabaho na maaaring applyan sa araw ng job fair, i-check lamang ang facebook post na ito mula sa Pasig City Public Employment Service Office (PESO): https://bit.ly/2024_4thMegaJobFairJobVacancies_PESO
Bilang parte rin ng aktibidad, magkakaroon din ng ONE-STOP SHOP para sa mga first-time jobseeker na nais mag-avail ng LIBRENG pagkuha ng police clearance o kaya naman pagpaparehistro sa BIR, Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS. Para ma-avail ito, dalhin lamang ang mga sumusunod: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); at valid ID.
Bukod sa Mega Job Fair na lalahukan ng overseas recruitment agencies, tampok din ang ilang mga serbisyong ipinagkakaloob ng nasyonal na pamahalaan para sa overseas Filipino workers (OFWs) tulad ng: Welfare and Legal Desk, E-Registration Help-Desk, Reintegration Assistance, Seminar/Orientation on Anti-Illegal Recruitment and Trafficking-In-Persons (AIR-TIP) mula sa Department of Migrant Workers; OFW Help Desk sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration; at Information Desk tungkol sa mga programa at serbisyo ng Commission on Filipinos Overseas.
Present din sa nasabing job fair ang Pasig City Skills Development Office, kung saan magkakaloob ng training ang Pasig City Institute of Science and Technology, isang TESDA-accredited training center sa ilalim ng lokal na pamahalaan, para sa mga Pasigueño na nagnanais makakuha ng National Certification.
Para sa mga hindi pa nakakapag-register sa aktibidad na ito, mag-pre-register gamit ang link na ito: https://bit.ly/2024_4thMegaJobFairPre-RegistrationLink.
Kaya naman ano pa ang hinihintay ninyo, Pasigueños? Mag-print na ng maraming kopya ng inyong resume dahil ito na ang pagkakataon na magkaroon ng trabaho!
Ang aktibidad na ito ay naging posible sa pangunguna ng PESO, sa pakikipagtulungan sa iba't ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan at partner employers.
—
Ang pagpapaliban ng nasabing job fair na orihinal na naka-schedule noong October 25, 2024 ay kaugnay ng masamang lagay ng panahon dala ng Bayong Kristine.