Nakapag-register ka na ba sa Pasiglympics?
July 3, 2026



























Kung hindi pa, pwedeng pwede pang humabol hanggang 12:00NN ngayong araw, July 3, 2026!
Kung ikaw ay edad 8-15 years old, nakatira sa Pasig o nag-aaral sa anumang pampubliko o pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasig, at may angking galing sa larangan ng sports, mag-register na sa Pasiglympics!
Ang Pasiglympics ang official selection tournament ng Lungsod Pasig para matukoy ang magiging parte ng delegasyon nito para sa Batang Pinoy 2026 sa December!
Para mag-register, i-click ang link na ito bit.ly/PasigLympics_2026 o i-scan ang QR code sa material.
——
Ang mga date at venue kada sports sa material ay maaari pang magbago. Ipapaalam sa eligible registrants ang final details tungkol sa selection tournament sa acceptance email na matatanggap ng mga ito.