Motorcade para sa ika-47 National Disability Rights Week, Matagumpay na Idinaos sa Pasig

July 18, 2025



๐Œ๐จ๐ญ๐จ๐ซ๐œ๐š๐๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ’๐Ÿ• ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ข๐ 

Matagumpay na naisagawa ang motorcade na nilahukan ng ibaโ€™t ibang organisasyon ng mga taong may kapansanan bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-47 National Disability Rights Week sa Lungsod ng Pasig kahapon, July 17, 2025.

Umabot sa 56 na organisasyon ang aktibong lumahok sa nasabing motorcade. 

Nagsimula ang motorcade sa Pasig Elementary School at nagtapos sa Maybunga Rainforest Park, kung saan idinaos din ang isang maikling programa. Dito, nagbigay ng mga  mensahe ng pagsuporta sa sektor ng persons with disability sina Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at ilang miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod na sina Councilor Simon Tantoco, Councilor Paul Senogat, Councilor Ryan Enriquez, at Councilor Warren Inocencio.

Layunin ng taunang pagdiriwang na ito na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Hulyo na itaas ang kamalayan ng publiko sa mga hamon, pangangailangan, at karapatan ng mga taong may kapansanan sa ating lipunan. Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay โ€œInnovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Together.โ€

Naging posible ang aktibidad na ito sa pangunguna ng Pasig City Persons with Disability Affairs Office.