Mga Natatanging Empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Kinilala sa Awarding Ceremony para sa Employee of the Month at On-The-Spot Award

July 14, 2025

plo

Pitong natatanging kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pinarangalan sa ginanap na Awarding Ceremony para sa Employee of the Month at On-the-Spot Award na parte ng palatuntunan para sa lingguhang pagtataas ng watawat ngayong Lunes, July 14, 2025. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang kahusayan, katapatan, at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Ginawaran bilang Employee of the Month Awardee sina:
- Mr. Ponchito B. Gueta | Office on General Services (OGS) - Building Maintenance Section (BMS) | Outstanding in Administrative Support | February 2025
- Ms. Regina L. Polancos | OGS - Security and Housekeeping Services | Outstanding in Utility Services | March 2025
- Engr. June U. Patricio, Jr. | OGS-BMS | Outstanding Section Head | April 2025
Pinarangalan bilang On-the-Spot Awardee sina:
- Mr. Al Alih C. Harun | Public Safety Division | sa pagsasauli ng manager’s check na mahigit PHP92,000.00
- Ms. Presjamin L. Zorolla | City Environment and Natural Resources Office | sa tapat na pagsasauli ng wallet na may PHP7,000.00 at mga dokumento
- Ms. Sheryll L. Nicabera | City Accounting Office | sa maagap na aksyon sa GSIS remittance
- Ms. Irish May C. Azusano | Human Resource Development Office | sa mabilis na pag-update ng GSIS member records
Ang bawat Employee of the Month ay tumanggap ng Certificate of Recognition at PHP5,000.00 cash incentive. Kinilala rin ang kontribusyon ng On-the-Spot awardees sa mga natatanging pagkakataon ng integridad at maagap na serbisyo sa pamamagitan ng isang Certificate of Recognition.
Sa pangunguna ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, at sa gabay ng Executive Orders No. PCG-07, s. 2021 at No. PCG-66, s. 2024, binibigyang parangal ang mga empleyadong naging huwaran sa kani-kanilang larangan. Kasama sa mga naggawad ng pagkilala sina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, at si City Human Resource Development Officer Ms. Elvira Flores.
Nagpaabot ng kanyang pagbati si Mayor Vico Sotto para sa mga naparangalan sa kanyang mensahe na napaiksi dala ng pag-ulan habang ongoing ang programa.
__
Layunin ng PRAISE na kilalanin at gawaran ang Employee of the Month at Year para bigyang-inspirasyon ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay parangal sa kanilang natatanging ambag, determinasyon, at pagsisikap para sa pamahalaan. Layon din nitong palakasin ang moral, pagtutulungan, kooperasyon, at partisipasyon ng mga empleyado bilang mahalagang bahagi ng isang organisasyon.
Bukas ang nominasyon para sa Employee of the Month sa lahat ng permanent, casual, contractual, co-terminous, at job order employees na may higit sa isang taon ng serbisyo sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Batiin natin ang mga nagawaran at pati na rin ang lahat ng kawani – “Mabuhay ang mga lingkod bayan ng Pasig!”
__
Para sa mga nais balikan ang buong kaganapan sa flag-raising ceremony kaninang umaga, kabilang ang Awarding Ceremony para sa Employee of the Month at On-the-Spot Award, i-click lamang ang link na ito: https://bit.ly/2025_FlagCeremonyJuly14