Mga Benepisyong Maaaring Makuha sa PhilHealthh YAKAP
May 28, 2026
Pamilyar ka na ba sa PhilHealth YAKAP?
Alamin ang mga benepisyong maaaring makuha sa pamamagitan ng programang ito sa video na ibinahagi ng Department of Health (Philippines). I-click ang link na ito: https://www.facebook.com/reel/2203274410430415
Sa ilalim ng PhilHealth YAKAP, maaaring makatanggap ang mga rehistradong miyembro ng mas accessible na serbisyong pangkalusugan sa mga accredited clinic at center, tulad ng libreng check-up at mga kinakailangang gamot para sa tuloy-tuloy na pangangalaga sa kalusugan.
Layon ng programang ito na mailapit sa bawat mamamayan ang dekalidad, abot-kaya, at mas madaling healthcare services, lalo na para sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.
Para sa pagpaparehistro, balikan ang post na ito: https://bit.ly/AccreditedPhilHealthYAKAPCentersandClinics na naglalaman ng listahan ng YAKAP Clinics at YAKAP-accredited Barangay Health Centers sa Lungsod ng Pasig.