Mayor Vico Hinikayat ang mga Lingkod-Bayan na Maglingkod “Above and Beyond the Call of Duty”
January 5, 2026









"𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐬𝐚𝐡𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭, 𝐚𝐛𝐨𝐯𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐞𝐲𝐨𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐝𝐮𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐠𝐢 𝐩𝐨 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐢𝐬𝐢𝐩, 𝐲𝐮𝐧 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚." - Mayor Vico Sotto
Parte ito ng naging mensahe ng Alkalde ng Lungsod ng Pasig, Mayor Vico Sotto, para sa mga lingkod bayan ng Pamahalaang Lungsod, para sa unang Flag Raising Ceremony ngayong taong 2026.
Ito ay matapos niyang pasalamatan ang mga kawani at mga departamento/opisina ng lokal at nasyonal na pamahalaan, na nagbigay ng serbisyo sa kabila ng holiday season kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, partikular ang mga nabansagang "Team However." Ang Team However ay ang mga kawani/departamento/opisina na required pa ring pumasok o mag-duty kahit na holiday o may work suspension (dahil sa mga bagyo o iba pang disaster, etc.)
Special mention sa naging mensahe ni Mayor Vico Sotto ang mga pumasok para makapagproseso ng death registration at death certificates: City Civil Registry Department, City Health Department, at City Treasurer's Office. Ika niya, kahit hindi sinasabihang pumasok, nagkukusa ang mga ito na magbukas, lalo na kapag matagal na walang pasok (hal. matagal na suspension dahil sa bagyo, o holidays). Ito ay bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga pinagsisilbihang taong bayan, dahil requirement ang mga ito para maiayos ang pagpapalibing ng mga namayapang mahal sa buhay. At mahirap maghintay para makapagproseso ng mga papeles, lalo na at kung matagal na walang operasyon ang mga nasabing tanggapan dahil sa holidays o work suspension.
Dito dinugtong ni Mayor Vico Sotto na...
"𝙂𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣 𝙥𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙤𝙠𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙖𝙣. 𝙂𝙖𝙮𝙖 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙪𝙣𝙪𝙢𝙥𝙖 (𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣), 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙪𝙩𝙤𝙨. 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙦𝙪𝙞𝙧𝙚𝙙 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣, 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞, 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙜𝙞 𝙥𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙗𝙤𝙫𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙗𝙚𝙮𝙤𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝙘𝙖𝙡𝙡 𝙤𝙛 𝙙𝙪𝙩𝙮. 𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙬𝙞𝙣, 𝙝𝙪𝙬𝙖𝙜 𝙣𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜-𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣, 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞𝙣 𝙥𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣, 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙜-𝙪𝙪𝙩𝙤𝙨 𝙥𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣.
𝘽𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙥𝙖𝙨𝙖𝙝𝙤𝙙 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩, 𝙢𝙪𝙡𝙞 𝙥𝙤, 𝙖𝙗𝙤𝙫𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙗𝙚𝙮𝙤𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝙘𝙖𝙡𝙡 𝙤𝙛 𝙙𝙪𝙩𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙜𝙞 𝙥𝙤 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙞𝙞𝙨𝙞𝙥, 𝙮𝙪𝙣 𝙥𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖."
Mapapanuod ang kabuang mensahe ni Mayor Vico Sotto mula sa Flag Raising Ceremony kaninang umaga sa link na ito: https://bit.ly/MVS_FlagHighlights_01052026
Maligayang Bagong Taon, mga kapwa lingkod bayan at mga Pasigueño! Na-inspire rin ba kayo sa mensahe ni Mayor Vico Sotto?
#UmaagosAngPagasa