"Maybunga Rainforest Park | The Last Lung of Pasig" ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Itinanghal bilang Grand Winner ng Best Practices on Sustainable Tourism
October 3, 2025



Itinanghal bilang Grand Winner ang entry ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pinamagatang “Maybunga Rainforest Park: The Last Lung of Pasig” sa Best Practices on Sustainable Tourism (Highly Urbanized City) Category ng Pearl Awards sa ginanap na 26th National Convention ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP).
Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga institusyon na nakatuon sa turismo na nagpakita ng pambihirang dedikasyon para masiguro na ang kanilang mga operasyon ay nagtataguyod ng sustainability (o tumutugon sa mga pangagailangan ng kasalukuyang bisita nito habang tinitiyak ang pangangalaga at pagpreserba nito para sa mga susunod pang henerasyon).
Tinanggap ng delegasyon ng Pasig City Cultural Affairs and Tourism Office (CATO) ang nasabing parangal para sa Lungsod ng Pasig.
Kinilala rin ang ATOP-National Capital Region, na kinabibilangan ng Lungsod ng Pasig, bilang Most Outstanding Tourism Officers Organization - Regional Category.
Congratulations, CATO at Maybunga Rainforest Park!
Mainit na pagbati rin sa iba pang pinarangalan mula sa ibat’t-ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa para sa 2025 Pearl Awards!