May Katanungan o Hinaing Tungkol sa Trabaho? Lapit lang sa PESO Pasig!

August 20, 2026

May Employment Preservation Desk ang Pasig City Public Employment Service Office (PESO) para sa mga manggagawa at kumpanya na may mga katanungan, hinaing, o concern tungkol sa trabaho.
Sa pangunguna ng PESO, katuwang ang Pasig Tripartite Industrial Peace Council at Department of Labor and Employment PAPAMAMARISAN Field Office, layunin nitong magbigay ng kinakailangang impormasyon at gabay tungkol sa mga karapatan at iba pang usaping may kinalaman sa trabaho.
Para sa mga interesadong lumahok sa nasabing aktibidad, mag-register lamang sa link na ito https://forms.gle/mHNaWUeVqmDkki7f6 o i-scan ang QR code na nasa orihinal na material.
Bukas ang desk ngayong araw, August 20, 2026, mula 01:00PM hanggang 04:00PM, sa 1st Floor, Temporary Pasig City Hall, Brgy. Rosario, Pasig City.
Kita-kits!