Matagumpay ang Simultaneous Anti-Rabies Vaccination sa Lungsod ng Pasig!
March 13, 2026








Matagumpay na naisagawa nitong March 11, 2026 ang Nationwide Simultaneous Anti-Rabies Vaccination Drive for Animals na pinangunahan ng Veterinary Services Department of Pasig City sa sumusunod na venues:
- Damayan Multipurpose Hall, Brgy. Pinagbuhatan
- Villa Cuana 3 Open Court, Brgy. Pinagbuhatan
- Habitat 2 (beside Police Station 5), Brgy. Pinagbuhatan
- VIP Pet Clinic by Vets in Practice, Esperanza Center, Shaw Blvd., Brgy. Oranbo
Sa isinagawang aktibidad, 701 alagang hayop ang matagumpay na nabakunahan laban sa rabies habang 183 naman ang nalagyan ng microchip, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa responsableng pag-aalaga ng hayop at kaligtasan ng komunidad.
Naging posible ang matagumpay na programa sa tulong ng Vets in Practice Pasig, mga veterinary student volunteers mula sa De La Salle Araneta University, at ng pamunuan ng Barangay Pinagbuhatan, pati na rin ng mga responsableng pet owners na nakiisa sa layuning makamit ang rabies-free na Pasig.
Sa temang ”𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙠𝙪𝙣𝙖𝙙𝙤, 𝙥𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤, 𝙋𝙖𝙨𝙞𝙜𝙪𝙚𝙣̃𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙤!”, sama-samang kumikilos ang lungsod at komunidad tungo sa isang rabies-free na Pasig City.