Mahalagang Anunsyo para sa Solo Parents sa Lungsod ng Pasig (December 18, 2024)
December 18, 2024


Simula bukas hanggang Biyernes, December 19-20, 2024, ay magkakaroon ng distribusyon ng cash subsidy para sa lahat ng eligible solo parents para sa buwan ng October hanggang December ng taong kasalukuyan.
Ang nasabing distribusyon ay gaganapin sa Brgy. Malinao Covered Court, mula 08:00AM hanggang 03:00PM.
Photo #2: Mga Paalala at Requirements
Photo #3: Schedule ng Distribusyon
Pinahihintulutan ang pagkuha ng cash subsidy sa pamamagitan ng AUTHORIZED REPRESENTATIVE, ngunit lilimitahan lamang ito sa kapamilya/kamag-anak ng eligible solo parent.
Para malaman ang kumpletong listahan ng mga eligible solo parent, makipag-ugnayan lamang sa inyong mga barangay o solo parent coordinators.