Mag-Ingat sa mga Mala-Trangkasong Sakit Ngayong Tag-Ulan!
August 10, 2026
Ngayong patuloy ang pag-ulan at malamig ang panahon, mas mahalagang maging maingat laban sa mga mala-trangkasong sakit o Influenza-Like Illnesses (ILI) kung saan nakakaranas din ng ubo, sipon, lagnat, at pananakit ng lalamunan.
Kung may nararamdaman na sintomas, magpahinga, manatili muna sa bahay, at uminom ng sapat na tubig upang makatulong sa paggaling at maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Kapag lumala ang sintomas o nakararanas ng hirap sa paghinga, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na barangay health center o ospital.
Alamin ang mga paraan kung paano makaiiwas sa ILI sa orihinal na post ng Department of Health (Philippines)!

