Lungsod Pasig, kasama ang mga Lungsod ng San Juan at Mandaluyong, nagsilbing host ng 1st Quarter Meeting ng METROPLANADO

April 5, 2025



๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐๐š๐ฌ๐ข๐ , ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ง๐๐š๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ง๐ , ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐›๐ข๐ง๐  ๐ก๐จ๐ฌ๐ญ ๐ง๐  ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐Œ๐„๐“๐‘๐Ž๐๐‹๐€๐๐€๐ƒ๐Ž

Kaugnay ng pagsusulong ng wastong pagpaplano para magbigay daan sa sustainable na pag-unlad sa Pasig at buong Metro Manila, hinost ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kasama ang mga Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at San Juan ang 1st Quarter Meeting ng METROPLANADO noong March 25, 2025, sa Session Hall ng Temporary Pasig City Hall.

Ang METROPLANADO o Metro Planning and Development Officers' Association, Inc. ay binubuo ng mga local planning and development coordinators (LPDCs) ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Nagsisilbi itong platform para sa LPDCs na makapag-collaborate, makapagbahaginan ng impormasyon at best practices, at magpatulungan ang pagpaplano at paglutas sa regional at development issues at concerns sa Metro Manila. 

Sa 17 LPDCs sa Metro Manila, 12 ang nakadalo sa isinagawang 1st Quarter Meeting. Naging highlight ng pagpupulong ang presentasyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EnP Monica Mateo tungkol sa Regional Physical Framework Plan at iba pang proyekto sa Metro Manila. Sinundan naman ito na ng diskusyon ni MMDA Dir. Shiela Gail Satura-Quingco tungkol sa mga naganap sa National Capital Region - Regional Development Council Meeting kaugnay sa Technical Budget Consultation para sa taong 2026 na ginanap noong February 2025.

Bilang isa sa mga host LGUs ng pagpupulong, dinaluhan din ito ni Mayor Vico Sotto na nagbigay ng mensahe para sa LPDCs ng Metro Manila LGUs. Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagsiguro na ang mga planong nabubuo ay magkaroon ng epektibong implementasyon. Bukod pa rito, sinabi rin ng alkalde na para maisulong ang progreso at kaunlaran sa mga LGUs, kailangan ma-enforce o maipatupad ang well-crafted na Comprehensive Development Plans, Zoning Ordinances, at Comprehensive Land and Water Use Plans na isa sa challenges sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila. 

Winika ni Mayor Vico, "I truly appreciate what you do. Being an Environmental Planner in our country can be frustrating, and I hope you don't lose heart. Keep your spirits up. Even if you're not able to follow everything perfectly all the time, know that, at least on your part, no one has encountered any issues. You all did your best, and I hope more people will come to understand. Rather than things getting worse, I genuinely believe that change can start with you."

Nagpasalamat naman si METROPLANADO President Merlina Panganiban mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati para sa naging mainit na pagtanggap ng Lungsod ng Pasig sa kanilang grupo.

Ang pag-host ng METROPLANADO ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Office ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pakikipagtulungan nito sa mga CPDO ng Lungsod ng Mandaluyong at San Juan, at maging sa secretariat ng METROPLANADO na mula naman sa Lungsod ng Makati.