Lungsod ng Pasig, Matagumpay na Pinangasiwaan ang 2025 NCR GAD Summit
November 14, 2025




























































Isang makabuluhang pagtitipon para sa 2025 National Capital Region Gender and Development Summit (2025 NCR GAD Summit) na may temang โ๐๐ซ๐ข๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ฌ, ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ฌ: ๐๐๐ฏ๐๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐๐ซ-๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ซ ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐ง๐ญ ๐๐๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ,โ ang ginanap kahapon, November 13, 2025 sa The Blue Leaf Cosmopolitan.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ng 16 lungsod at 1 munisipalidad sa NCR na nangangasiwa sa GAD, kasama rin ang civil society organizations at ilang national government at partner agencies. Bilang host city ngayong taon, pinangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang pagtitipon, kung saan dumalo ang mga lokal na opisyal, department at office heads, at mga miyembro ng GAD Focal Point System ng lokal na pamahalaan at pamahalaang barangay.
Bilang panimula ng programa, nagbigay ng kanyang Welcoming Remarks si Mr. Jose Rey Q. Espina, Head ng Pasig City GAD Office, kung saan binigyang-kahulugan niya ang tema para sa taong ito. Ayon sa kanya, ang pagtitipong ito ay sumasalamin sa kolektibong layunin na tugunan ang mga umiiral na gender gap sa pamamahala at sa paglahok sa ekonomiya. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mga polisiya at programang nakatuon sa gender equality, mahusay na pamamahala, at pagtutulungan upang makabuo ng isang ekonomiyang kapaki-pakinabang para sa lahat, lalo na para sa kababaihan, mga nasa laylayan, at iba pang sektor sa lipunan.
Dumalo rin sa pagtitipon upang magbigay ng kanilang mensahe ng suporta sina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at ilang miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod, kabilang sina Councilor Boyie Raymundo, na siyang Chairperson ng Committee on GAD, Councilor Maro Martires, Councilor Warren Inocencio, at Councilor Paul Senogat.
Bahagi rin ng programa ang mga presentasyon ng mga resource speaker na sina:
- Paulo Roman A. Castro Jr., MD, PhD, Former Medical Director, Pasig City General Hospital;
- Mr. Crisostomo Ian P. Veron Cruz, Economist IV, Pasig City Local Economic Development and Investment Office;
- Mr. Allendri B. Angeles, Department Head, Solid Waste Management Office;
- Ms. Rafaella R. Potestades, Co-Executive Director, BAYI, Inc.;
- Mr. John Troy P. Sunga, Officer-in-Charge, Pasig City Cooperative and Development Office;
- EnP. Prescilla Mejillano, MGM, City Planning Development Coordinator, Pasig City Planning and Development Office; at
- Ms. Michelle de Ocampo-Ballesteros, Tatak Pasigueรฑo, Pasig City Chamber of Commerce and Industry.
Tinalakay ng resource speakers ang mahahalagang pananaw tungkol sa gender-responsive healthcare, pagpapatibay ng partisipasyon ng kababaihan at gender-diverse groups sa lokal na ekonomiya, inobasyon para sa sustainable at inclusive governance, pagkakapantay-pantay ng bawat isa saย lipunan, pagpapalakas ng mga kooperatiba, at paggamit ng digital tools ng lokal na pamahalaan para mas mapaunlad ang ating ekonomiya.ย
Matapos ang mga presentasyon, nagbahagi ng kanilang mga reflection patungkol sa mga tinalakay sina City Director Visitacion C. Martinez, CESO IV, Department of the Interior and Local Government (DILG) โ City of Pasig; Ms. Sigrid Jan Sibug, Strategic Planning and Coordination Focal, UN Women; at Ms. Athena Cartagena, Communication and Political Affairs Officer, Embassy of Sweden in the Philippines. Nagpaabot din ng mensahe si Regional Director Maria Lourdes L. Agustin, CESO III, DILG-NCR, na ipinahatid sa pamamagitan ni City Director Martinez.
Bilang pagtatapos sa 2025 NCR GAD Summit, isa-isang binigyan ng Plaque of Appreciation at token ang mga lumahok na lokal na pamahalaan. Kasabay nito ang pormal na pagpasa ng flag ng NCR GAD Summit mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Pamahalaang Lungsod ng Pasay, na siyang magsisilbing host sa NCR GAD Summit sa susunod na taon.