Lungsod ng Pasig, Kinilala ng Bureau of Local Government Finance bilang isa sa Top-Performing LGUs sa Pagpapatibay ng Local Government Finance para sa Taong 2024

November 13, 2025


Pinarangalan ng Department of Finance - Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) ang Lungsod ng Pasig sa ginanap na Stakeholders' Recognition bilang pagkilala nito sa maayos at mahusay ng pamamahala sa pondo ng lokal na pamahalaan.

Sa apat na performance indicator areas na naging basehan sa pagbibigay ng parangal, nakatanggap ng tatlong awards ang Lungsod ng Pasig:

โ€ข ๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ’ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ | ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ž๐ฌ 

Ipinapakita nito ang kakayahan ng Pasig sa pagkolekta pondo (mula sa buwis at bayarin), na mahalaga sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at serbisyo. 

โ€ข ๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ | ๐‘๐š๐ญ๐ข๐จ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ž๐ฌ ๐ญ๐จ ๐“๐จ๐ญ๐š๐ฅ ๐‚๐ฎ๐ซ๐ซ๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐œ๐จ๐ฆ๐ž

Nagpapaghiwatig ito na maatas ang antas ng Fiscal Autonomy sa Pasig. Ibig sabihin, hindi tayo masyadong dumedepende sa National Tax Allocation (NTA) mula sa nasyonal na pamahalaan at mas marami ang ginagamit na lokal na pondo para sa mga proyekto at programa.

โ€ข ๐“๐จ๐ฉ ๐Ÿ๐ŸŽ ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ฅ๐ฒ-๐”๐ซ๐›๐š๐ง๐ข๐ณ๐ž๐ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ | ๐˜๐ž๐š๐ซ-๐จ๐ง-๐˜๐ž๐š๐ซ ๐†๐ซ๐จ๐ฐ๐ญ๐ก ๐ข๐ง ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ž๐ฌ

Ito ay pagkilala ng patuloy ang paglago at pag-unlad ng lokal na ekonomiya sa Pasig. At ang mga reporma sa pamamalakad at pagpapabuti ng koleksyon ay matagumpay na nagpapataas ng taunang kita ng Lungsod ng Pasig.

Pinangunahan nina City Treasurer Marita Calaje at City Assessor Robert Mina ang delegasyon ng lokal na pamahalaan na tumanggap ng awards para sa Lungsod ng Pasig.

__

Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagtitiwala ng mga mamamayan at iba pang stakeholders sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. 

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang tagumpay ng ating lungsod, kundi naging posible rin ito dahil sa maagap at wastong pagbabayad ng buwis ng ating mga mamamayan. 

Kaya naman sa inyo, mga Pasigueรฑo โ€” maraming salamat sa inyong pagtitiwala at pakikiisa! At congratulations! 

__

Highlight din ng naging programa ang Audio Visual Presentations bilang paglulunsad ng Valuation and Assessment Manuals at ng Integrated Electronic Official Receipt (eOR) kung saan isa sa pilot local government units ang Lungsod ng Pasig. Kaugnay nito ay nagbigay ng video message si Mayor Vico Sotto bilang suporta sa implementasyon ng eOR system.

Mapapanuod ang kabuuan ng Skaheholders' Recognition sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1BUAiD2y7R/

__

Layon ng Stakeholders' Recognition na isinagawa bilang parte ng selebrasyon ng ika-38 Anibersaryo ng DOF-BLGF na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na pagandahin ang paglikom ng pondo sa pamamagitan ng epektibong mga estratehiya sa koleksiyon, gamit ang mga makabagong pamamaraan; Habang tinitiyak na ang mga estratehiya at inobasyong ito ay naaayon sa Local Government Code at sa mga kaugnay na patakaran at regulasyon, upang isulong ang best practices sa pananalapi ng lokal na pamahalaan.

(Photo Credits: DOF-BLGF)