Laban, Atletang Pasigueño! | Send-Off Ceremony para sa Delegasyon ng Lungsod ng Pasig sa 2026 Palarong Pambansa

May 17, 2026

Isang Send-Off Ceremony ang isinagawa para sa 95 na kabataang atleta ng Lungsod ng Pasig, kasama ang 32 coaches at support personnel mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Schools Division Office - Pasig City para sa nalalapit na 2026 Palarong Pambansa kahapon, May 15, 2026, sa Pasig Knowledge Center (dating Pasig City Library) matapos ang Soft Opening at Walkthrough rito.
Gaganapin ang 2026 Palarong Pambansa sa Agusan del Sur simula May 24 hanggang June 1, 2026. Ang delegasyon ng Lungsod ng Pasig ay magiging parte ng NCR Metro Stars na binubuo ng mga atleta mula sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Nananatiling undisputed champion ang NCR Metro Stars sa pagkakapanalo nito ng 18 consecutive years sa Palarong Pambansa. Samantala, matatandaang consistent na nasa top 5 performing schools division offices ang Lungsod ng Pasig, mula sa mahigit 200 schools division offices sa buong bansa.
Bahagi ng Send-Off Ceremony ang pagbibigay ng mensahe ng mga opisyal mula sa Pamahalaang Lungsod at Schools Division Office of Pasig. Bukod pa rito, nagkaroon din ng pamamahagi ng allowances para sa delegasyon ng lungsod sa 2026 Palarong Pambansa.
I-check ang maiksing programa kaugnay ng send-off ceremony mula sa link na ito: https://www.facebook.com/share/v/1BJ6iDCnLe/