Koordinasyon sa pagitan ng nasyonal, lokal, at barangay governments, mas pinaigting bilang paghahanda sa Super Typhoon Bavi
July 6, 2026






















Isang Joint Emergency Meeting, kabilang ang mga miyembro ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRM) at Barangay DRRM Committees, kasama ang mga kinatawan mula sa nasyonal na pamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA), ang ginanap ngayong araw, July 6, 2026, bilang paghahanda sa parating na Super Typhoon Bavi (Inday).
Tinalakay sa pagpupulong ang pagbibigay ng paalala para sa paghahanda ngayong panahon ng tag-ulan. Naging parte rin ng diskusyon ang ilan sa mga common tasking ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga barangay kapag tag-ulan, lalo na kung may bagyo, tulad ng pagresponde sa mga tumumbang puno at poste; declogging; clearing operations; relief operations; camp coordination and camp management; at health and medical concerns. Naging pagkakataon din ito para mapag-usapan ang ilan sa mga tasking na may parte rin ang nasyonal na pamahalaan (DPWH at MMDA) at ilang private service providers (hal. Meralco at Manila Water).
Isinagawa na rin sa pagpupulong ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) para sa paparating na Super Typhoon Bavi (Inday). Ayon sa forecast, inaasahan na ang nearest approach nito sa atin ay sa Biyernes ng umaga, na may layong nasa 900 km sa northeast side ng Pasig City. Inaasahang nasa Super Typhoon category pa rin ito pagpasok sa Philippine Area of Responsibility, ngunit sa pagtataya ay maliit ang tiyansa na magkaroon ng direct impact sa lungsod dahil sa layo ng daraanan ng bagyo. Sa kabila nito ay maaari pa ring makaranas ng malakas na pag-ulan sa Pasig sa nearest approach ng bagyo dulot ng Habagat.
Ipagpapatuloy ang pagmomonitor ng lagay ng panahon at ia-assess sa mga susunod na araw kung kakailanganin na mag-activate ng Incident Management Team para makatugon sa mga magiging epekto ng Super Typhoon at Habagat sa Lungsod ng Pasig.
Bilang pagtatapos, pinaalalahanan ang lahat na mas mabuting maging handa, kahit ano pa man ang maging lagay ng panahon sa mga susunod na araw.
Pasig City DRRMO
#PasigHanda