Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Selebrasyon ng National Elderly Week!
October 7, 2025



๐๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐ค!
Nagsilbing Kick-Off Ceremony sa 2025 National Celebration of Elderly Filipino Week ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kahapon, October 6, 2025 na pinangasiwaan ng Office for Senior Citizens Affairs.
Pinangunahan ni G. Alfonso Feliciano, Senior Citizen Representative para sa ikalawang distrito ng Lungsod ng Pasig mula sa Barangay Rosario ang panalangin. Nagpasalamat siya sa Maykapal para buhay ng senior citizens at hiniling na patuloy na bigyan, lalo na ang Elderly Council, ng lakas at matalas na kaisipan para patuloy na makapaglingkod para sa mga kinakatawan nitong senior citizens at maging inspirasyon sa mga nakababatang henerasyon.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Vico Sotto ang mahalagang gampanin ng Elderly Council sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, partikular sa pagbalangkas ng mga programa at polisiya na nagtataguyod ng mga kapakanan ng senior citizens sa Lungsod ng Pasig.
Sa ilalim ng temang "Embracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose", magkakaroon ng simultaneous activities para sa mga lolo at lola sa darating na October 18, 2025 bilang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week. Abangan ang anunsyo kaugnay nito.