Kabayanihan ng Kababaihan, Tampok sa Poster Making Contest para sa National Heroes Day 2026
September 1, 2026
Nasa 21 mag-aaral ng Grade 9 mula sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasig ang nagtagisan ng pagkamalikhain sa Poster Making Contest na ginanap sa Pasig City Museum nitong August 27, 2026, kaugnay ng pagdiriwang ng National Heroes Day 2026.
Sa ilalim ng temang โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐ค๐ฃ: ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ค๐ฃ, ๐๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ, ๐๐ฉ ๐ฝ๐ช๐ ๐๐จ,โ ipinakita ng mga kalahok ang kani-kanilang interpretasyon sa kabayanihan at katapangan ng kababaihan, gamit ang lapis, illustration board, color pastel, at iba pang basic art materials.
Nagwagi bilang First Placer ang kinatawan mula sa Eusebio High School. Itinanghal na Second Placer ang Sagad High School, habang Third Placer naman ang representante ng Santolan High School. Bilang panalo, nag-uwi ng cash prizes ang mga nagwaging kalahok.
Ang panel of judges ay binubuo ng mga guro na huwaran sa larangan ng sining, musika, at sayawโsina Ms. Marita Aquino, Mr. Conrado Contreras Jr., at Mr. Ernifer Cosmiano.
Dumalo sa programa at nagbigay ng mensahe sa opening ceremony sina 12th Sangguniang Panlungsod Committee on Cultural Affairs, Arts and Tourism Chairperson Councilor Angelu De Leon at Pasig City Tourism, Culture and Arts Department (PCTCAD) Head Patrick Plandiano, kasama sina Dra. Nerissa Sabarre ng Pasig City General Hospital-Women and Children Protection Unit at Ms. Lorelen Bie ng Girl Scouts of the Philippines-Pasig.
Upang bigyan ng pagkakataon ang publiko na matunghayan ang artworks, binuksan ang isang exhibit sa Pasig City Museum nitong August 31, 2026 at mananatiling bukas sa publiko hanggang Linggo, September 13, 2026.
โ
Tampok din sa patimpalak ang mga larawan at maikling deskripsyon ng mga natatanging bayaning Pilipina noong rebolusyon at modernong panahon.
โ
Ang National Heroes Day 2026 Poster Making Contest ay naging posible sa pangunguna ng PCTCAD. Layunin nitong paigtingin ang partisipasyon ng mga kabataan sa patuloy na pagkilala at pagpapahalaga sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kasarinlan at kalayaan ng bansa.



























































