Junior Emergency Response Tour
March 29, 2025











Matagumpay na naisagawa ang Junior Emergency Response Tour sa Pasig Elementary School kahapon, March 28, 2025.
Layon ng aktibidad na ito na maturuang maging handa ang mga estudyante mula sa PES sa iba't ibang uri ng mga sakuna na maaaring mangyari habang nasa paaralan ang mga ito.
Sa pangunguna ng Pasig City DRRMO (Disaster Risk Reduction and Management Office) at pakikipagtulungan nito sa Bureau of Fire Protection - Pasig at Meralco, naging interactive ang emergency response tour sa pamamagitan ng mga hands-on activities tulad ng: Fire Safety Demonstration; Zero Visibility Tunnel Experience; Electrical Safety Awareness; CPR and Basic First Aid; Pasig City Go Bag; Rappelling Tower Experience; at Knot-Tying Skills.
#PasigHanda