June 22 is Ka-Jovito Salonga Day in Pasig City
June 22, 2025
Alinsunod sa Pasig City Ordinance No. 40, s. 2023, idineklara ang ika-22 ng Hunyo bilang Ka-Jovito Salonga Day sa Lungsod ng Pasig, ang kanyang araw ng kapanganakan. Sa ilalim ng nasabing ordinansa, kinikilala ang mga katangi-tanging kontribusyon ni Ka-Jovito bilang isang lingkod bayan.
Ngayong araw, June 22, 2025, ipinagdiwang sa Lungsod ng Pasig ang ika-105 kaarawan ni Ka-Jovito sa pamamagitan ng pagtanggal ng tabing sa kanyang busto sa Rizal High School.
Mapapanuod ang maiksing programa na ginanap kaninang umaga mula sa link na ito: bit.ly/105th_BirthAnniv_KaJovitoSalonga
Samantala, maa-access naman ang naunang post tungkol sa selebrasyon ngayong araw sa link na ito: bit.ly/105thBirthAnniv_SenJovitoSalonga_POST
Ang kabuuan ng Pasig City Ordinance No. 40, s. 2023 ay makikita sa link na ito:
Para sa mga kabataang Pasigueño na gustong mas makilala si Ka-Jovito, i-check CoolTura post tungkol kay Former Senator Jovito Salonga mula sa link na ito: bit.ly/44qF0tA