Inauguration ng DPWH Projects sa Lungsod ng Pasig | February 18-19, 2025

February 20, 2025


Inauguration ng DPWH Projects sa Lungsod ng Pasig | February 18-19, 2025

Photo #1: San Joaquin Community Center (Newly Constructed Covered Court) Villa Munsod 

Photo #2: Ribbon Cutting para sa 420-meter Road  at Drainage sa Phase 2 B2 Kaalaman St., Manggahan

Sa kanyang post, binigyang diin ni Mayor Vico Sotto ang importansya ng kolaborasyon at pagkakaroon ng matatag na working relationship sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at tanggapan ng representante ng Pasig sa mababang kapulungan (Congress).

Aniya, "Ano nga ba ang dahilan kung bakit maganda ang ugnayan namin ni Cong (Roman)? Bakit madali ang tulungan at hindi yung para bang nag-aagawan o pinag-aawayan ang mga proyekto? Siguro simple lang ang sagot – NAGKAKAISA KAMI SA DIREKSYON AT HINDI KASI PINAGKAKAKITAAN ANG MGA PROYEKTO! Ibig sabihin, basta pakikinabangan ng tao, hindi mahalaga kung kanino ang credit. Ang importante, panalo ang Lungsod at ang mga Pasigueño!

#UmaagosAngPagasa