IN PHOTOS: Second City Development Council Meeting in Plenary for 2025
September 25, 2025






































๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐๐
Nagtipon ang mga miyembro ng City Development Council (CDC) para sa ikalawang meeting nito para sa taong 2025 kahapon, September 24, 2025.
Apat na panukalang resolusyon ang tinalakay kahapon ng mga miyembro ng CDC na binubuo ng mga kinatawan mula sa barangay at civil society organizations:
โข CDC Resolution No. 2025 - 003: Amending the List of Priority
Programs, Projects, and Activities to be Funded Out of the
20% Community Development Fund for CY 2025
โข CDC Resolution No. 2025 - 004: Approving the Supplemental
Annual Investment Program for CY 2025 of the City
Government of Pasig and Recommending its Adoption by
the Sangguniang Panlungsod
โข CDC Resolution No. 2025 - 005: Amending the List of Priority
Programs, Projects, and Activities to be Funded Out of the
20% Community Development Fund for CY 2026
โข CDC Resolution No. 2025 - 006: Amending the Annual
Investment Program for CY 2026 of the City Government of
Pasig and Recommending its Adoption by the Sangguniang
Panlungsod
Bawat panukalang resolusyon ay nagkaroon ng presentasyon para matalakay ang mga detalye ng mga ito sa pangunguna nina Atty Bernice Mendoza ng Office of the City Mayor at City Planning and Development Coordinator EnP Priscella Mejillano, MGM.
Kada matapos ang presentasyon ng isang panukalang resolusyon ay binigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng CDC na makapagtanong tungkol sa mga ito, na tinutugunan naman ng tanggapan ng Pamahalaang Lungsod na in-charge sa programa o proyekto kung saan may katanungan.
Pinangunahan naman ni City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero ang pagbabasa ng mga panukalang resolusyon na siya namang inaprubahan din ng mga miyembro ng CDC kahapon.
Naging parte rin ng agenda ng 2nd CDC Meeting bilang "Other Matters" ang pagpapakilala sa updated na Sectoral Co-Chairs ng Expanded CDC mula sa Pamahalaang Lungsod.
Pagkatapos nito ay nagkaroon din ng Pre-Disaster Risk Assessment bilang paghahanda sa Bagyong #OpongPH dahil nasa iisang meeting na rin ang mga kinatawan at mga miyembro ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council, maging ang counterpart ng mga ito sa barangay.
Ang City Development Council Meeting ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Office na nagsisilbing Secretariat nito.