IN PHOTOS: Prototype Saturday for our Floating Parks Concept
September 20, 2025


UPDATE MULA KAY MAYOR VICO SOTTO:
PROTOTYPE SATURDAY for our FLOATING PARKS CONCEPT 🚢🌳🛝
Ito ay isang inisyatiba para magkaroon tayo ng mga bago at sustainable na OPEN SPACE para sa lahat (lalo na para sa mga bata at senior).
Gamit ang isang BARGE, nag-prototype ang LGU para sa "floating park concept". Puwede itong lagyan ng playground, pocket park, garden, multipurpose area, at iba pa.
Bahagi ito ng Finalist entry natin sa Bloomberg Mayors Challenge.
Bukod sa floating park, kasama rin sa disenyo natin ang extension ng mga linear parks na naka-cantilever, at may cistern sa ilalim para sa tubig-ulan.
Mahalaga din ang isinasagawa ng team na "Community Consultation" kasama ang mga opisyales at residente ng mga barangay, para sa kanilang mga input at suhestiyon.
– – –
Thank you to Morning Star for lending their barge, members of PAFMI, Coast Guard, MMDA, and barangays for their assistance!
#PasigCity #UmaagosAngPagasa #Innovation #PasigRiver #MarikinaRiver